kani-kanila lang, kausap kita sa telepono. syempre tungkol sa trabaho (dapat) ang usapang 'yon pero pasintabing kinumusta ko ang nangyari sa nakaraang linggo mo, kung masaya ba o nagtigil ka lang sa bahay. nagbiro ka at patawang sinakyan ko naman ito. ganito naman lagi tayo. puro laro. pero kanina, sa tono ng boses ko, sa mga salita at pangungusap ko--nahalata mo ba? nabasa mo ba?--gusto ko nang bumigay sa yo.