 HeraThe queen of the Olympian deities and was worshipped as the goddess of marriage and birth. Hera is the most beautiful of all immortals, even more beautiful than Aphrodite.. . . and that's just the name. ;-)
Tell it to Mary Jane
Still Sleeping in My Mailboxkwentuhanbirthday postpensamientos calientesgirl talkambiguous vagabondsingko.singkwenta drops of jupiternight, day and everything in betweenanak ng tupa...because eros is a child that mocks even the godsgravityb is for bloggingsheryn regiskumusta ka na?so i'm a bit oddeto nafuture zeus?can i just saydisclaimerto the living dead (for d)about the goddess
Last movie seen

Why I Went to The Woods H.D. Thoreau I went to the woods because I wished to live deliberately, to front only the essential facts of life, and see if I could not learn what it had to teach, and not, when I came to die, discover that I had not lived. I did not wish to live what was not life, living is so dear; nor did I wish to practice resignation, unless it was quite necessary. I wanted to live deep and suck out all the marrow of life, to live sturdily and Spartan-like as to put to rout all that was not life, to cut a broad swath and shave close, to drive life into a corner, and reduce it to its lowest terms, and, if it proved to be mean, why then to get the whole and genuine meanness of it, and publish its meanness to the world; or if it were sublime, to know it by experience, and to be able to give a true account of it in my next excursion. Stamp Collection 7thstranger l abaniko l abster l ade l akira l aleks l auroraborealis l ayen l batjay l bing l buddy l bulalakaw l cher l cid l corsarius l de. vile l gab l gabgabgab l godkiller l jajanice l father jeff l kat l keebs l kramer l mud l paulo l rain l rey l ric l sancho l saphfire storm l shiko-chan l sleepdreamer l slither dude l snglguy l soloflite l t l tagabukid l tanggero l tanya l transience l tukneneng l v l van l yayam
I'm a member of
The Bored Single Bloggers
|
 |
Tuesday, January 18, 2005
araw-araw, may nagtatanong sa yo kung kumusta ka na. syempre ano nga bang automatic na sagot kundi "okay lang". di na pinag-iisipan, ang dalawang maiikling salitang ito ang lalabas sa bibig mo. parang "press the button". siguro dahil hindi kayo close nung nagtanong. o siguro dahil natatakot ka lang sabihin kung anong totoo, dahil pag sinabi mo lalo mo lang isinasapak sa sarili mo. minsan mas simple ang buhay kung tahimik ka na lang. i-isang tabi lang muna kung anuman yung di-matanggal na gulo sa isip mo at ilabas na lang lahat pag mag-isa ka na at tahimik na sa gabi. pero dahil close naman tayo, mary jane at gabi na at tahimik na rin, eto lang ang masasabi ko:
ako, okay lang? kaululan. dahil sa totoo lang, gusto ko nang sumabog ngayon.
titigilan ko muna ang pagpapa-cute sa blog na ito. etong mga romantic eklat at mga kung anu-anong sinusulat ko. hindi naman ito kagaguhan, pero ngayon gusto ko muna talagang magsulat, magwala. hindi ko sigurado kung pagkatapos ng ilang-araw, buburahin ko itong entry na to. bahala na. di ako sanay sa ganitong drama. kung may makabasa, paumanhin sa kanila.
nung 20 ako, unang tikim sa big bad corporate world, tatanga-tanga pa ako. palibhasa idealistic, feeling ko kaya kong gawin lahat. naniwala akong may magandang plano para sa kin, at hindi ako matutulad sa mga kaopisinang kumunat na ang pag-iisip sa sampung taong pare-pareho lang ang ginagawa araw-araw. iba ako, dahil sabi ng boss ko, may POTENTIAL ako.
tanginang potential yan. tatlong taon na ang nakalipas parang natatagalan atang ma-realise ang lintek na potential na yan. kasalanan ko ba? siguro nga. kasi nung isang araw kinu-kwento ng kaibigan ko yung tungkol sa isang batchmate naming nagtatrabaho sa ganitong kumpanya. P30,000 daw ang sweldo, pa-kotse at may mga travel benefits pa. shet! ang galing naman nya! tinanong ko kung cum laude ba sya o kung mala- i'm-not-worthy ang pagka-genius ng batchmate naming yon. hindi raw, average student din lang. pero eto ang edge nya: assertive daw sya.
ASSERTIVE. what the fuck. so ngayon sumpa na nga talaga ang pagiging introvert ko. siguro nga hindi ako tulad ng ibang pa-bibo, yung tipong kala mo wala nang bukas kung magpa-impress sa boss. naiinis ako sa ganon siguro dahil naiinggit ako. siguro nga ganito na talaga akong lumaking walang kumpyansa sa sarili at sadyang tumitigil ang utak pag may mga kaharap na big boss. excuses, excuses... naiinggit pa rin ako.
inggit. di ko alam kung anong sinasabi sa kin ni god tuwing may makikilala akong taong mayaman na nga eh malaki pa ang sweldo. hindi ako mababaw. ulol lang ang magsasabing hindi importante ang sweldo. noon nagpapakabayani pa ako at nagtatrabaho para lang sa tawag ng kaluluwang gawin kung anong nakakapagpaligaya sa 'kin. pero hindi ba't kung tatlong taon ka nang nabibilang sa mga taong halos 12 oras nagtatrabaho para kumita ng kakarampot, hindi ba't mabuburat ka rin? lalo na kung mararamdaman mo ang bigat tuwing sasabihin ng mga magulang mong hirap na sila sa mga gastusin at bayarin at wala kang magawa kasi ni sweldo mo eh di sapat sa sarili mo.
so kung tatanungin mo kung kumusta ako, masasabi kong eto pa rin akong taong naniniwalang may mas magandang plano para sa akin ang diyos. ilang hinga, ilang tulog, san ka pa't darating din kung anumang hinihintay ko. kung kelan man yon o kung anuman yon, hindi ko alam. pansamantala, eto muna ako. lumalaban. lumalangoy. nag-aaral maging assertive.
Posted at 10:11 pm by heratic
 |  |  | Name April 19, 2008 05:22 PM PDT
wil, wil, wil, ang pangit ng kwentoi moh... ash in... super.... and beside of that |  |
  |  |  | fried of mine November 18, 2005 07:51 PM PST
okey lang.....
lagi nmn ok lang kht minsn hindi.... |  |
  |  |  | twitamz March 16, 2005 07:04 PM PST
very nice!
Sa iyong lahat,sikap at tiyaga lang ang kailangan............ and because of that may mararating kau.......... like others... so, good luck!!!!!!!!!!!!!
|  |
  |  |  | twitamz March 16, 2005 07:04 PM PST
very nice!
Sa iyong lahat,sikap at tiyaga lang ang kailangan............ and because of that may mararating kau.......... like others... so, good luck!!!!!!!!!!!!!
|  |
  |  |  | twitamz March 16, 2005 07:04 PM PST
very nice!
Sa iyong lahat,sikap at tiyaga lang ang kailangan............ and because of that may mararating kau.......... like others... so, good luck!!!!!!!!!!!!!
|  |
  |  |  | ash January 29, 2005 11:12 PM PST
di yata pighati..kundi...sa bisaya pa...kaligutgot ..nyaha! |  |
  |  |  | hera January 28, 2005 11:31 PM PST
isa lang itong patunay na bumebenta talaga ang "angst" (ano bang saktong tagalog term dito?) pighati? ewan..
next time, tungkol naman sa ex ko. hehe... |  |
  |  |  | ash January 28, 2005 11:18 PM PST
wala akong masabi sa haba ng comment dito . galing ng me ari hehe |  |
  |  |  | gabgabgab January 25, 2005 02:44 PM PST
oo nga. marami nga. pampadagdag pa ito ulit, kahit walang kwenta. di kaya kailanganin na nito ang isang forum? hmmm... nakakatuwa ang usapan n'yo, hera, ni jackass. napatawa ako nang malakas dun. jackass, bati tayo ha? |  |
  |  |  | emong January 21, 2005 02:22 PM PST
nagpadagdag lang sa mga kumento! uu...tama si gabgab....eto ang pinakamadaming kumento! mabohay ka! apir! |  |
  |  |  | KatCons January 20, 2005 10:20 PM PST
Hera, sino si Akira? M intrigued by his posts. His most recent one explains a lot on why my current SO is like that. |  |
  |  |  | hera January 20, 2005 08:58 PM PST
true, true...mas may karapatan talaga silang magwala at ngumawa.
so, another ten million, perhaps? ;) |  |
  |  |  | Jackass January 20, 2005 08:48 PM PST
Ngek! Oo nga ano! Nagmukha tuloy akong masamang nilalang. Nagkamali lang ako ng paliwanag, palusot pa ako e! What I meant is buti nga tayo ganon lang kasimple mga problema natin compare sa kanila. Kailangan ko tuloy dagdagan donation ko sa tsunami victims, nakonsensya ako sa sinabi mo e. |  |
  |  |  | hera January 20, 2005 01:45 PM PST
jackass: hehe. yan din sinasabi ng nanay ko - "pasalamat ka at may trabaho ka". pero naman, unemployment is not an option for me.
hmm...i can't say i find comfort knowing that there are more unfortunate people especially the ones hit by calamities and suffering from war. i mean...how could you? |  |
  |  |  | Jackass January 20, 2005 04:52 AM PST
Yeah I know jackass is weird!! Well Im weird anyway so kinda match really.Basta isipin mo na lang swerte ka at may trabaho ka unlike other people.Alam mo para gumaan ang pakiramdam ko everytime na upset ako about something, I always think about those unlucky people that has been hit by Tsunami and those countries in wars and then I will find myself thanking God for what I've got.Malay mo pala naghihintay lang ang boss mo ng tamang pagkakataon para i-promote ka or itataas sweldo mo!!!!So cheer up, ok?! |  |
  |  |  | hera January 20, 2005 12:39 AM PST
thanks, jackass (that sounded weird).
yeah, i've had my share of advices about stamping your name, owning your job, standing out. and that's what i've been trying to do, and the bosses do notice sometimes. but somehow it's still not enough cos as it is, i am still stuck. so i'm waiting my time, learning everything i can and PREPARING for the job that's right for me. pag ready na ako, i'll be outta here in a heartbeat.
thanks!!! |  |
  |  |  | Jackass January 19, 2005 11:46 PM PST
Wag ka mag-alala Hera, as what you said, may magandang kinabukasang naghihintay sa'yo.I wasn't that good at school when I'm studying I'm not being show off or anything but I got a well paid job, sometimes swerte swerte lang yan. Just be good on what you do and one day makikita nila yong effort mo. My boss has given me a really good advice, that when you go and work for company, stamp your name on it, make a difference, do something that they will make them think that they got the right person.I mean you are very intelligent woman if some joblag like me can get a well paid job, ikaw pa?!If you think they will never recognize you at your current job, why not look for another job but don't leave until you found one.Hindi naman totoong lalapit ang grasya sa'yo you have to chase for it. |  |
  |  |  | Name January 19, 2005 09:39 PM PST
Well, isipin mo na lang na mas masarap bumili ng ating mga bagay-bagay kaysa dun sa guy na un with the 30T salary. Besides, mas maganda tayo. Losyang siya!;) |  |
  |  |  | hera January 19, 2005 04:12 PM PST
salamat sa mga kumento nyo. gab, siguro kaya mahaba ang mga ito kasi lahat naman tayo maraming masasabi pagdating sa mga hinaing sa trabaho. well, hindi lang talaga trabaho per se, pero yung self-actualization mo sa kung anumang bagay na ginagawa mo.
thanks!!!
|  |
  |  |  | gabgabgab January 19, 2005 05:36 AM PST
sa lahat ng blog na napasyalan ko, dito lang may ganitong kahahabang komento. |  |
  |  |  | gabgabgab January 19, 2005 05:32 AM PST
"assertiveness", tama 'yan. 'yan ang mabilis na nakapagpaangat sa 'kin sa trabaho ko no'n. kahit sa mga big boss, ako'ng pinapakausap ng immediate superior ko. wala raw akong takot. marami rin akong naging contribution sa dati kong pinasukan. ang dami kong recommendations na naipatupad. ang linya nga ng presidente ng kumpanya no'n sa boss ko pag hinahanap ako, "nasa'n na ang visor mong tamad?" -- dahil 'yan sa mga rekomendasyong ipinasa ko, na talaga namang di lang nakapagbilis kundi nagtapyas talaga ng trabahong akala nila eh di puedeng tanggalin. ang bilis ko talagang umangat. walang maniwala pag sinasabi kong dalawang beses akong bumagsak ng lecheng board exam na 'yan. ang galing ko kasi. at dahil sa paniniwala kong 'yan, wala akong trabaho ngayon, kasi ang yabang ko na. mag-aapat na taon na akong bakante! ngayong naghahanap ako ng trabaho, pagpapakumbaba naman ang kailangan kong matutunan. kailangang isantabi ko muna ang "assertiveness" na 'yan. totoo, we learn new things each day, at sa haba ng panahong nakalipas na, marami pa ring kailangang matutunan. |  |
  |  |  | basagulera January 19, 2005 05:02 AM PST
paminsan, hindi naman nadadaan sa pagalingan iyan. ewan ko lang...wala nang kaek-ekan 'tong sasabihin ko..may pagka-jaded pa nga.
sa tingin ko, pagalingan lang iyang sumipsip. kung paano ka makibagay sa lahat. kung paano mo palabasing magaling ka, kahit hindi naman talaga, kung paano mo palabasing bihasa ka sa trabaho mo't may malasakit ka talaga sa kumpanya.
madaling sabihin pero mahirap palabasin ang ilusyon...
basta magpakatotoo ka lang sa sarili mo, sa kahit ano mang paraan ng pagkamit mo ng minimithing ambisyon.
sana nga, makita ka na nila.
-letters from a stranger
ang haba yata hindi naman kita gaanong kilala..sa blog lang..nyek |  |
  |  |  | FinE-TuneZ January 18, 2005 11:36 PM PST
i've realised thats true you know.. even though you exist in a different environment.
at school i see the more mediocre students, who are assertive, while me, introverted and shy, yet (not to sound proud) work hard, and am entitled to being at least a little bit more intelligent. yet i see them, getting the attention, or the whole cake... it does bring me down every once in a while.
i guess the good thing is that i got the chance to look around and evaluate what i was be missing, confidence in myself, in my capabilities for example.
i found that it wasnt wrong to express my feelings directly... to get what i need instead shunning myself to the sidelines like i usually did. i suppose if i didnt ask, i wouldnt get.
this is an unusually long comment, so ill cut it short...
dont worry hera, your potential and diligence will be appreciated soon. =) |  |
|