 HeraThe queen of the Olympian deities and was worshipped as the goddess of marriage and birth. Hera is the most beautiful of all immortals, even more beautiful than Aphrodite.. . . and that's just the name. ;-)
Tell it to Mary Jane
Still Sleeping in My Mailboxkwentuhanbirthday postpensamientos calientesgirl talkambiguous vagabondsingko.singkwenta drops of jupiternight, day and everything in betweenanak ng tupa...because eros is a child that mocks even the godsgravityb is for bloggingsheryn regiskumusta ka na?so i'm a bit oddeto nafuture zeus?can i just saydisclaimerto the living dead (for d)about the goddess
Last movie seen

Why I Went to The Woods H.D. Thoreau I went to the woods because I wished to live deliberately, to front only the essential facts of life, and see if I could not learn what it had to teach, and not, when I came to die, discover that I had not lived. I did not wish to live what was not life, living is so dear; nor did I wish to practice resignation, unless it was quite necessary. I wanted to live deep and suck out all the marrow of life, to live sturdily and Spartan-like as to put to rout all that was not life, to cut a broad swath and shave close, to drive life into a corner, and reduce it to its lowest terms, and, if it proved to be mean, why then to get the whole and genuine meanness of it, and publish its meanness to the world; or if it were sublime, to know it by experience, and to be able to give a true account of it in my next excursion. Stamp Collection 7thstranger l abaniko l abster l ade l akira l aleks l auroraborealis l ayen l batjay l bing l buddy l bulalakaw l cher l cid l corsarius l de. vile l gab l gabgabgab l godkiller l jajanice l father jeff l kat l keebs l kramer l mud l paulo l rain l rey l ric l sancho l saphfire storm l shiko-chan l sleepdreamer l slither dude l snglguy l soloflite l t l tagabukid l tanggero l tanya l transience l tukneneng l v l van l yayam
I'm a member of
The Bored Single Bloggers
|
 |
Friday, April 15, 2005
wala akong pakialam kung paano ako tingnan ng mga katabi at kaharap ko pero sasakay at sasakay pa rin ako sa jeep 'pag uuwi ako mula sa opisina. madalas kasi medyo pormal ang bihis ko at minsan hindi bagay sa marumi, mainit at mausok na sasakyan. pero wala akong pakialam. meron akong P5.50 at 20 minutong biyahe pauwi. malayo ang nararating ko.
pinakagusto kong sumakay sa jeep tuwing dis-oras ng gabi, bandang alas diyes, alas onse at kakaunti na ang sasakyan sa kalye. oo, mapanganib, pero ewan ko ba. marahil gusto ko lang na sa mga ganintong oras ipinamamalas ng drayber ng jeep na siya nga ang hari ng kalsada at walang takot na paliliparin ang mahabang sasakyan habang gumegewang-gewang itong parang lasing sa kalsada. sa isang malakas na busina isinisigaw nito--ako ang hari, sisingit ako kung saan ko gusto, lulusot ako sa pinakamakitid na pasilyo, tumabi ka kung di ka sasakay.
at minsan naman, marahil sa kagustuhang tumakas sa pagkabagot sa maghapong pagmamaneho, may mga drayber na ubod ng lakas magpatugtog at naglalagay pa ng malalaking speaker sa ilalim ng upuan. hindi ka aantukin sa jeep na hindi lang gumegewang kundi dumadagundong din, mula talampakan hanggang dibdib. samahan mo pa ng mapupulang ilaw na minsan patay sindi. kulang na lang serbidorang may dalang beer at mga babaeng nagsasayaw. maliban na lang siguro kung biglang may maririnig kang "kelangan pa bang i-memorize yan!!??"
at ang mga pasahero--mga dayuhang magkakakilala lamang sa tingin at sa pagbabangga ng mga braso sa bawat hinto ng sasakyan. madalas makakakita ako ng isa o dalawang pasaherong abala sa pagtanga sa buhay sa labas, lumilipad ang isip habang hinahampas ng maruming hangin ng lungsod. minsan isang saleslady sa shoemart, isang mamang naka sando at tsinelas, isang babaeng nakahawak sa braso ng kanyang nobyo. minsan ako.
isang sigaw ng "para!", dalawa kung bingi ang drayber. o di kaya "batak mo, stop ako" para di na kailangang sumigaw, kumatok o sumutsot. sapagkat ang katok ay sa pinto at ang sutsot ay sa aso at "god know, hudas not pay". lalampas ako ng kaunti sa dapat na babaan. pero okay lang. sa P5.50 at 20 minutong biyahe, malayo ang nararating ko.
Posted at 01:18 am by heratic
 |  |  | gabgabgab April 30, 2005 08:11 AM PDT
sana, wag nang dumating ang araw na ang "singko.singkwenta" ay "otso" na. ang sakit sa dibdib. mas gugustuhin ko pa sigurong sumakit na lang ang binti ko sa paglalakad. syempre, depende naman sa layo. |  |
  |  |  | mud April 19, 2005 03:55 AM PDT
ang galing ng pagkakasulat mo nito, hera. :D |  |
  |  |  | hera April 18, 2005 03:54 PM PDT
akira... enjoy! kumapit kang mabuti at itago ang cellphone. :D
trans....wohoo!!! sa unang pagkakataon, nagkumento ka ng tagalog. dito pa lang yan sa aking blog. :D sayang, wala nang jeepney dyan sa hilaga.
tagabukid...marahil sa paglipad ng isip, di ko namalayang napamahal na ako sa pagsakay sa jeepney.
wanderingpanda...uy, wala pa akong nasasakyang ganon. asteeg yan!
7thstranger...salamat. madalas lang talaga lumipad ang isip ko 'pag nasa jeep.
slither dude...rather the flavor of the pinoy life-- mabilis, makulay, maingay. |  |
  |  |  | slither dude April 18, 2005 02:46 PM PDT
yeba! jeepneys are cool. hehehe. i like how you wrote this, captures the flavor of our generation ;p
(or something like that Ü) |  |
  |  |  | 7thstranger April 18, 2005 02:23 PM PDT
galeng mo talaga, dear goddess! |  |
  |  |  | wanderingpanda April 16, 2005 10:42 PM PDT
hi :) ako naman gusto ko ung black light na nagpapailaw ng ngipin kong madilaw pag gabi. nakasakay ka na ba sa jeep na may ganun?
and goodness, i commend you, napakakaunti ng kilala kong gusto sa jeep, lalo na kung may pagpipilian sila. they're missing half of their lives!
sorta kinda. |  |
  |  |  | tagabukid April 15, 2005 05:24 PM PDT
galing ng pagkakalahad ng mga pangyayaring hindi na pagtutuunan ng pansin ng mga laging lumilipad ang isip sa kawalan na wala namang iniisip.
hehe. pampagulo lang ako dito.
kung hindi man ito tunog ng isang compliment sa sumulat, sinasabi ko sayo: it is.
more...more...more...hera. |  |
  |  |  | transience April 15, 2005 04:44 PM PDT
whoa! insightful! and on a jeepney, even. pucha, ginagawa ko lang sa jeep e magdasal na sana di ako mamatay. |  |
  |  |  | akira April 15, 2005 07:47 AM PDT
haven't been riding jeepneys lately, pero langya.
sasakay ako ng jeep mamaya :) |  |
|